Pilipinong pari, nahirang na bagong apostolic nuncio ng Rwanda

0
175

Hinirang ni Pope Francis ang isang Pilipinong pari na si Rev. Msgr. Arnaldo Sanchez Catalan bilang bagong Apostolic Nuncio sa Rwanda, ayon sa Archdiocese of Manila kahapon.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, inihayag ng Santo Papa ang appointment ni Catalan noong Enero 31.

Nagpahayag ng pasasalamat si Advincula sa Santo Papa  “For this gift and honor and considers the appointment of Archbishop-elect Catalan as historic being the first priest of the Archdiocese of Manila to become a Nuncio,” ayon sa arsobispo.

Binati rin niya ang bagong arsobispo sa pangalan ng kaparian, mga relihiyosong lalaki at babae, at mga layko ng Arki Diyosesis.

Tiniyak din ni Advincula sa archbishop-elect ang kanilang suporta at panalangin sa pagtupad niya sa bagong misyon sa Rwanda.

Ang 55-taong-gulang na monsignor ay nagsilbi bilang Chargé ‘affaires ng Apostolic Nunciature sa China mula noong 2019.

Nagtrabaho siya sa Diplomatic Service of the Holy See sa nakalipas na 20 taon. Ang kanyang mga naunang atas ay sa Apostolic Nunciatures sa Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada, at Pilipinas.

Ang bagong halal na arsobispo ay naordinahan sa pagkapari noong Marso 25, 1994.

Sinabi ng archdiocese na ang mga detalye ng episcopal ordinasyon ni Msgr. Catalan ay iaanunsyo pa.

Photo credits. The Manila Cathedral, Facebook photo.
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.