Pilipinong abogado binaril sa Philadelphia

0
479

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang Filipino lawyer na si John Albert “Jal” Laylo at ang kanyang ina habang nakasakay sa isang Uber vehicle sa Philadelphia, Pennsylvania habang hinahabol ang kanilang flight patungong  Chicago.

Isa sa anim na bala ang tumama sa ulo ni Laylo, 36, na naging sanhi ng agad niyang pagkamatay. Idinagdag siya  sa listahan ng mga biktima ng pamamaril sa Estados Unidos.

Nagtamo ng kaunting pinsala ang kanyang ina dahil sa talsik ng mga pira-pirasong salamin.

Iniulat ng Fox 29 na hindi bababa sa pitong pamamaril ang naganap noong Sabado ng umaga (oras sa US) sa Philadelphia kung saan ay  lima ang nasugatan at dalawa ang patay, kabilang ang “isang 36-anyos matapos tadtarin ng bala, ayon sa report pulisya. 

Ang insidente ay iniulat ni incoming Department of Migrant Workers secretary Susan Ople kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa kanyang tweet noong Linggo ng umaga, sinabi ni Locsin na “si Laylo ay binaril sa ulo” at inatasan ang mga opisyal ng embahada na iuwi ang bangkay at ang ina ni Laylo.

Ayon sa Facebook account ni Laylo, nagtapos siya sa Makati Science High School, University of the Philippines Diliman (Political Science), De La Salle University (Law), at Central European University sa Budapest, Hungary (International Business Law). (PNA)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.