Pilot pediatric vaccination program, isinagawa sa San Pablo City

0
613

San Pablo City. Isinagawa ang pilot pediatric vaccination program kahapon sa San Pablo City Convention Center sa Brgy. San Jose, lungsod na ito Ang nabanggit na pilot rollout ng bakuna para sa mga edad 12 hanggang 17 ay una sa Laguna.

“Malaking pasasalamat po sa DOH at sa nasyonal na pamahalaan sa pagtitiwala sa San Pablo City na dito sa San Pablo City inilunsad ang kauna unahang roll out ng pediatric vaccination sa labas ng NCR. Pagpapatunay lamang po ito ng ang aming kahandaan ay isinusulong ng national government upang ang atin po namang mga kabataan na edad 12 hanggang 17 ay mabigyan ng proteksyon laban sa Covid 19. Lubos po ang aking pasasalamat  sa mga private doctors, mga volunteers, sa mga health workers at lahat po ng nakiisa at sumuporta dito sa pilot pediatric vaccination sa Laguna,” ang pahayag ni San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante. 

May 500 bata ang nabigyan ng bakuna kahapon, ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho. “Ang mga batang may comorbidities na tinurukan ay nirekomenda ng kanilang mga private pediatrician. Katulong din po natin dito ang Department of Education (DepEd). At nagpapasalamat ako sa DepEd, sa lahat ng volunteers at health workers at sa San Pablo Medical Society sa pangunguna ni Dr. Cristeto Azucena sa ibinigay nilang suporta sa matagumpay na pilot pediatric vaccination rollout dito sa Laguna,” ayon sa city health officer.

Walang naitalang kaso ng adverse effect following immunization (AEFI) ang San Pablo City Health Office sa ginanap na pilot program ng pediatric vaccination dito.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang online media briefing kamakailan, sisimulan ang pediatric vaccination rollout sa buong bansa sa Nobyembre 5 para sa mga edad 12 hanggang 17, may comorbidities o wala.

San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante.

Video credits: Usaping Bayan

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.