Pilot rollout ng vaxx para sa edad 5-11, gagawin din sa Calabarzon sa Pebrero 4

0
258

Isasagawa rin ng Department of Health (DOH) sa Pebrero 4 ang pagbabakuna para sa mga edad 5 hanggang 11 taong gulang sa 30 lokasyon sa Central Luzon at Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon bukod sa mga lokasyong sa Metro Manila, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya noong Lunes.

“The DOH  will make the formal announcement kung papaano po ang dahan-dahan na pagbubukas ng mga iba’t ibang vaccination sites hanggang matapos natin ang vaccination rollout sa buong bansa,” ayon sa kanya sa isang Laging Handa public briefing.

Pinaalalahanan din niya ang mga magulang ng mga menor de edad na 5 hanggang 11 taong gulang na may comorbidities na magdala ng medical clearance at patunay ng relasyon bago pumunta sa mga vaccination sites.

Ang unang rollout para sa nabanggit na age group ay nakatakdang isagawa sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North EDSA (Skydome), at  Fil Oil Gym sa San Juan sa Metro Manila.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.