Pilot vaccination ng 5-11 taong gulang, na-reset sa Pebrero 7

0
157

Inilipat sa Pebrero 7 ang dating iskedyul na Pebrero 4 ang pilot run nga pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 sanhi ng mga pagkaka antala ng delivery ng mga bakuna para sa nabanggit na age group, ayon sa anunsyo ng Department of Health (DOH), National Task Force (NTF) Against Covid-19 at National Vaccination Operation Center (NVOC) kanina.

“Vaccinating children is critical to the country’s national vaccination program to ensure they have the added protection they need against Covid-19. National Vaccination Operation Center (NVOC) of the National Task Force (NTF) Against Covid-19 remains committed to ensure that all Filipinos, including children, get vaccinated,” ayon sa kanilang joint statement.

Nagkaroon ng bahagyang pagkaantala sa paghahatid ng mga bakuna ng Covid-19 na inaprubahan ng FDA na inilaan para sa pangkat ng edad na ito, ayon sa NTF.

Ang paunang deliver ng mga reformulated low-dosing na Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccines ay inaasahang darating sa Biyernes ng gabi.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.