Pilotong nagkalat ng fake news, malaki ang problema ngayon

0
373

Humingi ng pauman­hin si Captain Sam Avila, VP-Flight Operations ng Cebu Pacific Air, kay Vice President Leni Robredo matapos ma­kumpirma na inimbento lamang ni Capt. Van Ranoa ang kanyang mga akusasyon laban sa bise presidente na inamin niya sa isinagawa nilang imbestigasyon.

May problema ngayon si Ranoa, ang piloto ng Cebu Pacific na pinaniniwalaang nagkalat ng “fake news” laban kay Rob­redo na inakusahan niya na nagpa-hold ng mga eroplano upang unahin ang kanyang pag-landing.

“I confirm that the pilot has made it clear to us that he had no basis for his claim and was purely speculative and careless on his part,” ayon kay Avila.

“While the pilot posted his commentary on his own accord, a post he has since removed, on behalf of Cebu Pacific, and as Head of our Pilot Group, I take command responsibility and apologize unreservedly to the Vice President and the general public for the action of our pilot,” dagdag niya.

Samantala, sinabi naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang isyu ay isang ‘internal matter’ na dapat resolbahin ng airline at ng kanyang empleyado.

“Moreover, CAAP would like to clarify that Air Traffic Data, sourced out from Air Traffic Service are included in the autho­rity’s confidentiality clauses as this information has its security implications,” saad ng CAAP.

Sa post ni Ranoa, una niyang tinawag na “showbiz” ang larawan ni Robredo na nagpaplantsa ng “toga” ng kanyang anak. Kasunod nito, sinabi niya na pina-hold umano ni Robredo ang mga flights noong nakaraang buwan para unahin ang kanyang paglapag sa Maynila.

“I know she’s entitled to that as VP, pero para gawin mo on peak hours at para sa election, mali na ata ‘yun,” ayon sa kanyang post.

Binatikos din niya ang “mainstream media” sa diumano ay hindi pagbabalita ng insidente upang sabi niya ay “panatilihin ang malinis na imahe ng ikalawang pangulo.”

Makaraang makara­ting sa pamunuan ng Cebu Pacific, agad na nagsagawa ito ng imbestigasyon.

Sinabi ng kumpanya na may sinusunod silang mga patakaran sa hindi pagbibigay ng mga sensitibong impormasyon hinggil sa “flight” ng kanilang mga pasahero. Sinabi din ni Ranoa sa kanyang post na pasahero din nila ang Australian ambassador noong maganap ang kanyang pekeng alegasyon.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.