Bilang tugon sa isinusulong na ideya ng Kamara ukol sa Charter Change o Cha-cha na hindi isinasama ang Senado, ipinaalala ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na ito ay hindi lamang kontra sa Saligang Batas kundi imposible ayon sa konstitusyon.
Ayon kay Pimentel, hindi maaaring i-amyenda ng Mababang Kapulungan ang Konstitusyon na hindi kasama ang Senado, at ito ay hindi lamang paglabag sa batas kundi tila isang hakbang na hindi maaaring mangyari.
“Not involving the Senate and they believe that they can amend the constitution, impossible. Hindi lang unconstitutional, impossible pa,” ayon sa senador.
Binigyang-diin ni Pimentel na ang ganitong “attitude” ng mga miyembro ng Kamara ay maaaring humantong sa hindi pagkakaroon ng suporta mula sa mga senador. Sa kanyang pahayag, ipinunto niyang ang bilang ng mga senador na sumusuporta sa Cha-cha ay limitado lamang sa 24.
Hindi rin pumabor si Pimentel sa mungkahi ni Pampanga Rep. Dong Gonzales na isagawa ang Cha-cha sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ayon sa senador at abogado, hindi maaaring i-overhaul ang Konstitusyon sa paraang ito dahil ito ay surgical amendment lamang, at may itinakdang patakaran ang konstitusyon na dapat sundan.
Sa pangunguna ni Gonzales, bukas ang Kamara sa pagsusulong ng Cha-cha, ngunit ang hamon ngayon ay kung paano lalabas ang Senado sa prosesong ito at kung paano haharapin ng mga miyembro ng Kongreso ang hamon ng pagsusulong ng malawakang pagbabago sa Saligang Batas.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo