Pinabulaanan ng DOH ang balitang may ‘new wave’ ng COVID-19 sa NCR

0
207

Walang katotohanan at batayan ang mga mensaheng may “bagong wave” ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ito ang mariing pahayag ng Department of Health (DOH) na nagbanta pa ng posibleng pagsasampa ng kasong laban sa mga nagpapakalat ng pekeng maling impormasyon.

Sa isang pahayag ng Department of Health kahapon, pinabulaanan nito ang fake news na diumano ayy pagpuno ng COVID-19 intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center, na kumakalat sa social media simula pa noong Disyembre.

“The Department of Health (DOH) advises the public against a circulating message claiming a new COVID-19 wave in Metro Manila, attributed to Dr. Ruth Divinagracia from St. Luke Medical Center,” ayon sa DOH.

Ayon sa lumabas na mga mensahe, inilalarawan ang karamihan sa mga kaso bilang “COVID-induced bad commorbidities.” Dagdag pa rito, ang ilan daw sa mga pasyente ay bakunado ngunit hindi nabigyan ng booster shots. Binanggit din sa mga posts ang pabor sa paggamit ng N95 masks kaysa sa KN95 dahil sa alegadong banta ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong mga holidays.

“The DOH urges the public to rely on information from reputable sources such as the agency and other official health organizations. Misinformation can contribute to unnecessary panic and fear,” dagdag pa ng DOH.

Binigyang-diin din ng DOH na maaaring sampahan ng kasong kriminal ang mga nagpapatuloy sa pagpapakalat ng mga pekeng balita. “Furthermore, the DOH states that criminal charges may be pressed if related post/s shall persist.”

“The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department, which can be accessed through the links and social media handles below.”

Sa hiwalay na pahayag, nilinaw ng DOH na ang mga kaso ng COVID-19 nitong Kapaskuhan at Bagong Taon ay mas mababa kumpara sa mga nagdaang buwan. Iniuugnay ito sa mga “healthy behaviors” tulad ng pagsusuot ng face masks at iba pang safety protocols.

Nagbigay rin ang DOH ng statistics na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw mula Disyembre 26, 2023, hanggang January 1, 2024, ay bumaba ng 10% kumpara sa nakaraang linggo. Maliban dito, tinukoy din na ang karamihan ng mga bagong kaso ay hindi malubha.

“The average number of new cases per day for the week of December 26, 2023 to January 1, 2024 is down by 10 percent compared to cases from December 19 to 25. Of the new cases, only around 1% were serious or critically ill. The Department renews its commitment to closely monitor the trend for any changes,” ayon sa DOH.

Nanawagan naman ang DOH sa lahat na patuloy na maging maingat at huwag maging kampante, lalo na sa mga pagtitipon, at ipinapaalala ang kahalagahan ng pagsusuot ng face masks, lalo na sa mga senior citizen at immunocompromised.

Sa huling bahagi ng pahayag, ibinalita ng DOH na umabot na sa 4.13 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa ngayon, 5,310 ang nagpapagaling pa habang 66,836 ang namatay.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo