Pinag iingat ang mga Pilipino sa Italy matapos pumutok ang Mt. Stromboli

0
402

Pinapayuhan ang mga Pilipino sa Italya na maingat na sumubaybay sa mga lokal na balita habang ang gobyerno ng Italya ay nagbigay na ng mga babala kasunod ng pagsabog ng Mt. Stromboli kanina.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Italy noong Biyernes na itinaas ng Italian civil protection authorities ang alert level mula dilaw sa orange habang patuloy ang “situation of enhanced volcano imbalance persists.”

“While the Italian Department of Civil Protection  (IDCP) indicated that monitoring parameters are ‘normal with a persistent activity of the Strombolian type and ordinary intensity’, all Filipinos in the affected areas and nearby areas are advised to continuously monitor the news,” ayon sa statement ng IDCP.

Sa kaso ng emergency, hinihimok ang mga Pilipino sa Italy na makipag-ugnayan sa Embassy sa (+39) 334 658 2118, sa Konsulado ng Pilipinas sa Reggio Calabria sa (39) 651 870 750, o sa Italian national emergency hotline sa 112.

Ang Stromboli Volcano, isa sa mga pinaka aktibong bulkan sa mundo, ay sumabog kaninang umaga lokal na oras, at naglabas ng malalaking usok at lava flow na bumubuhos sa dagat.

Ayon sa mga lokal na ulat, sinabi ng Italian National Institute of Geophysics and Volcanology, na isang unang malaking pagsabog ang naitala noong Setyembre 29. Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa pinakabagong pagsabog. (PNA)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.