Pinag iingat ang mga Pinoy sa NY pagkatapos ng mass shooting sa Brooklyn

0
501

Pinapayuhan ang mga Pinoy sa New York na maging mapag bantay kasunod ng insidente ng pamamaril sa Brooklyn na ikinasugat ng maraming tao.

Sinabi ni Consul General Elmer Cato kahapon na naghihintay pa rin ang konsulado ng mga impormasyon mula sa mga lokal na awtoridad tungkol sa nasyonalidad ng mga biktima, 10 sa kanila ay binaril ng isang suspek na namaril at hindi pa nahuhuli.

“The Philippine Consulate General advises kababayan to exercise extreme caution in view of the city-wide manhunt for the suspect in this morning’s shooting incident in Brooklyn. The suspect, who is armed and dangerous, remains on the loose. There is a massive police mobilization ongoing. Kababayan(s) are advised to report any abandoned packages on subways, bus stops, or public places, especially along the N, R, and other Brooklyn subway lines,” ayon sa  advisory.

Sinabi ni Cato na sinusuri ng konsulado ang Filipino community sa Brooklyn na hindi matukoy ang eksaktong bilang ngunit ang mga Pilipinong nagtatrabaho ay hindi bababa sa 8,764 ang naninirahan dito.

Humigit kumulang na 23 ang nasugatan mula sa rush-hour shooting na naganap sa 36th Street Subway station sa Brooklyn pasado alas-8 ng umaga (US EDT time) kahapon, Abril 12, 2022.

Sinabi ni New York Police Commissioner Keechant Sewell na ang gunman ay nagsuot ng tila gas mask pagkatapos ay kumuha ng canister sa kanyang bag at binuksan ito.

Nang mapuno ng usok ang Manhattan-bound N na tren, na noon ay naghihintay na pumasok sa istasyon ng 36th Street, nagpaputok ang suspek at binaril ang maraming tao sa subway at sa platform.

Sinabi ni Sewell na nakasuot ang suspek ng green construction vest at gray hooded sweatshirt.

Sa ngayon, kinilala ng New York City Police Department ang isang Frank James bilang isang person of interest sa isinasagawang imbestigasyon.

Kinilala ng pulisya ang 62-anyos na si Frank R. James bilang isang person of interest sa pamamaril sa subway sa Sunset Park, Brooklyn na nag-iwan ng dose-dosenang nasugatan.
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.