Pinag iisipan ni PBBM ang pagbabalik ng mask mandates

0
446

Pinag aaralan ng gob­yerno ang posibleng pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., umaasa ang gobyerno na hindi na tataas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“We might have to think about it kung talagang… But ang ating — ako ang tinitingnan ko is because although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sini­mulan eh maliit lang so hopefully we’re still ano — we’re still going to be able to do it,” ayon kay Marcos sa interview ng media habang sakay ng PR 001 patungong Amerika.

Sinabi rin ni Marcos na lumalabas na dapat muling itulak ang pagbabakuna upang mabawasan ang nagkakaroon ng impeksyon lalo na at sumasabay pa ang mainit na panahon.

“But it looks like, we will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa init,” ayon kay Marcos.

Ayon pa sa kanya, mas humihina ang katawan ng tao dahil sa init kaya mas madali kapitan ng COVID-19.

“Humihina  ang katawan and that will make them more vulnerable to COVID again,” ayon kay Marcos.

Idinagdag ni Marcos na titingnan din ang opinyon ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health tungkol sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

“So we’ll look at it. Tingnan natin kung may guidance ang IATF, may guidance ang DOH. I think — I hope we don’t have to but we might but I hope not,” ani Marcos.

Nauna dito, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng positivity rate ay dahil sa ilang factors, kabilang ang mobility ng populasyon tuwing holidays gayundin at ang bilang ng mga taong kumukuha ng COVID-19 test.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.