Pinagbubuti ng CALAX ang customer experience sa tulong ng technology 

0
330

Ibinalita ng MPCALA Holdings Inc. (MHI), ang concessionaire sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang patuloy nilang pagpapahusay, hindi lamang sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, kundi maging sa customer service experience ng mga motorista.

Bukod sa pagtiyak ng kaginhawaan sa pagmamaneho at pagbiyahe, inuuna din ng CALAX ang kaligtasan ng mga motorista. Patuloy na itinataguyod ng toll road company ang mga programang may kinalaman sa road safety at paghahatid ng karagdagang roadside assistance services. Layun nitong itatag ang CALAX bilang isa sa mga pinaka ‘motorist-friendly’ na expressway sa bansa. Simula ng magbukas ito noong Oktubre 2019, wala pang naitalang kaso ng malalang aksidente sa naturang high speed road network.

Sa bahagi ng roadside assistance, higit na pinadali ang pakikipag-ugnayan sa traffic control room sa pamamagitan lamang ng pag-pindot sa isang buton gamit ang emergency call boxes na nakatayo sa kahabaan ng CALAX. Ang mga ito ay may built-in loudspeaker, camera, at hearing aid na idinisenyo para sa mga hearing impaired.

“Habang patuloy ang aming paninigurado sa kalidad ng aming daanan at sa kahandaan namin sa pagtulong, may mga vehicular breakdown talaga na hindi natin maku-kontrol bagkus ay kaya natin itong maiwasan. Palagi kaming nagpapaalala ang aming mga motorista na suriin ang BLOWBAGETS sa kanilang sasakyan bago bumiyahe at maging aming katuwang sa pagsulong ng road safety,” ayon kay Mr. Raul L. Ignacio, President and General Manager of MPCALA Holdings Inc.

Ang BLOWBAGETS, isang kilalang mnemonic na pinasikat ng PNP-Highway Patrol Group, ay checklist ng mga dapat suriin sa isang sasakyan bago ito paandarin para maiwasan ang vehicular accident at breakdown. Kabilang dito ang battery, lights, oil, water, brakes, air pressure, gas, engine, tires, at self.

Ang CALAX ay isang 45-kilometer high speed road network na nagdurugtong sa mga probinsya ng Cavite at Laguna. Target nitong pagsilbihan ang aabot sa 45,000 na motorista sa sandaling matapos ang pagkukumpuni nito. Sa ngayon, Ang CALAX ay operational mula Binan, Laguna hanggang sa East ng Silang, Cavite. Target na makumpleto ang CALAX project sa 2023.

Ang MPCALA Holdings Inc. ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang pinakamalaking toll road developer at operator sa bansa. Bukod sa CALAX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions para sa Manila-Cavite Expressway.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.