Pinaikli ng DOH sa 7 araw ang quarantine, isolation ng mga fully vaccinated

0
473

 Pinaikli ng Department of Health (DOH) ang isolation at quarantine period ng mga fully vaccinated na indibidwal na may Covid-19 at ang kanilang mga malalapit na kontak sa pitong araw.

Ang isolation period para sa mga kaso ng Covid-19 na fully vaccinated na wala o may banayad na sintomas ay ibinaba sa pitong araw mula sa 10 araw sa ilalim ng binagong mga alituntunin.

Ang panahon ng quarantine para sa fully vaccinated na close contact na wala o may banayad na sintomas ay limang araw na lamang ang haba ng isolation o quarantine sa halip na pitong araw.

Gayundin, opsyonal na ngayon ang RT-PCR test para sa close contact ng mga kumpirmadong kaso na walang sintomas o may banayad na sintomas.

Gayunpaman, ang 10-araw na panahon ng isolation para sa hindi fully vaccinated o hindi pa nababakunahan kabilang ang mga healthcare workers ay susundin pa rin.

Kahapon, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga update ay ginawa upang matugunan ang kalituhan na dulot ng pagkakaiba sa mga alituntunin para sa isolation o quarantine ng mga manlalakbay, general public, at healthcare workers.

Binanggit niya na ang matagal na quarantine at tagal ng isolation ay nagdudulot ng strain sa healthcare system at sa ekonomiya.

Naniniwala ang mga eksperto sa kalusugan ng bansa na ang mga benepisyo ng pagpapaikli ng quarantine ay mas malaki kaysa sa mga panganib partikular para sa Omicron variant, dagdag pa niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.