Pinakabatang HIV case sa Palawan, 13-anyos nahawa sa Pakikipagtalik

0
84

PUERTO PRINCESA, Palawan. Isang 13-anyos ang naitala bilang pinakabatang kaso ng HIV sa Palawan na nakuha sa pakikipagtalik, ayon sa ulat ng City Health Office (CHO) at Amos Tara Community Center.

Nagbabala ang mga eksperto sa patuloy na pagdami ng mga menor de edad na nagkakaroon ng HIV sa lalawigan. Ayon kay CHO Program Coordinator Regina Villapa, may 17 kaso ng HIV sa mga batang may edad 14 pababa, kabilang ang isang sanggol na nahawa mula sa ina.

Sa iba pang age groups, naitala ang sumusunod na bilang ng kaso:
🔴 391 sa mga kabataang edad 15-24
🔴 593 sa edad 25-34
🔴 187 sa edad 35-49
🔴 22 sa edad 50 pataas

Nangunguna ang Puerto Princesa sa pinakamataas na bilang ng HIV cases sa MIMAROPA, kung saan 709 sa 1,198 kaso sa Palawan mula 1988 ay mula sa lungsod na ito.

Ang RedTop Center sa Ospital ng Palawan ang nag-iisang treatment hub sa buong probinsya at kasalukuyang nagsisilbi sa 1,210 pasyente.

Bagamat libre ang HIV testing, marami pa rin ang nag-aatubili dahil sa takot, stigma, o kakulangan sa impormasyon. Dahil dito, patuloy ang panawagan ng mga health officials sa publiko na magpasuri. Tiniyak din nilang kumpidensyal ang proseso at madaling ma-access ang testing upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.