Pinakamayayamang Pilipino, hinikayat na mamuhunan sa ‘Maharlika’

0
151

Bubuksan ng national governmentang pagkakataon na makipag-partner sa mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa kapag naging operational na ang Maharlika Investment Fund (MIF).

“Ayon po sa amin, umaasa kami. Ang ating mga malalaking kumpanya, pwede rin tayong magkaroon ng mga joint ventures, co-investments sa mga proyektong pang-imprastruktura,” ani National Treasurer Rosalia de Leon sa isang news forum noong Sabado.

Gayunpaman, iginiit ni De Leon na ang paparating na Maharlika Investment Corp. (MIC) ay susuriinng maigi ang bawat investment.

Kaugnay nito, sinabi ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes na susuriin ng Malacañang ang mga pagbabago sa MIF bill ngunit ipinangako niyang pipirmahan agad ang nasabing hakbang kapag natanggap niya ito.

Sinabi ni De Leon na ang board of directors ng MIC ang magbuo ng mga pamamaraan sa pamumuhunan at risk management kung saan maaaring makita ng publiko ang posibleng kita ng mga proyekto.

Tiniyak ni De Leon na ang lahat ng mga proyekto ay dadaan sa procurement process at ang exemption lamang ay sa teknikal na aspeto o paghingi ng teknikal na payo. Gayunpaman, sinabi niya na wala pang impormasyon kung anong bahagi ng inilaang sovereign wealth fund ang gagamitin para sa mga proyekto ng imprastruktura. 

Mayroon nang hindi bababa sa 194 flagship infrastructure projects ang administrasyon ni Marcos na nagkakahalaga ng PHP9 trilyon. Upang maalis ang mga pangamba, binigyang-diin niya na ipinagbabawal sa mga social security institutions tulad ng GSIS, SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth na mamuhunan sa MIF at korporasyon.

Bukod dito, hindi gagamitin ang pondo para sa mga proyekto sa social development tulad ng serbisyo, pangangalaga sa kalusugan, at edukasyon sa MIF.

Sinabi din niya na pitong miyembro mula sa Senado at Kongreso ang itatalaga sa Joint Oversight Committee upang bantayan ang kahalagahan at pinansyal na performance ng MIC at MIF.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.