Pinalawig ni PBBM  ang tungkulin ni Acorda bilang PNP chief

0
185

Iniulat na pinalawig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024. Ang pagpapalawig ng serbisyo ay bunga ng matagumpay na pamumuno ni Acorda sa police force matapos italaga noong Abril ng kasalukuyang taon.

Sa liham na nilagdaan ni Pangulong Marcos, binanggit na “sa bisa ng mga umiiral na batas, ang iyong serbisyo bilang Chief (Police General), Philippine National Police, ay pinalawig hanggang 31 Marso 2024.” Ipinarating din niya ang kanyang pasasalamat sa magandang pagganap ni Acorda sa kanyang tungkulin.

Iniulat naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abajos Jr. ang desisyon na ito sa pamamagitan ng transmittal letter na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Disyembre 1, 2023. Ang PNP ay isang attached agency ng DILG.

Sa pagpapalawig sa serbisyo ni Acorda, binanggit ng Office of the President (OP) ang Executive Order No. 136, series of 1999, na nagpapahintulot sa Pangulo na aprubahan ang pagpapalawig ng serbisyo ng mga itinalagang opisyal kahit lampas na sa compulsory retirement age para sa mga napakahusay na dahilan.

Si Acorda ay nangunguna sa PNP sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang morale at kagalingan ng personnel, pagsasagawa ng community engagement, pagsusulong ng integridad, pagpapaunlad ng teknolohiya, at tapat na pagpapatupad ng batas.

Bilang pang-29 na “top cop” ng bansa, initalaga si Acorda sa isang seremonya ng change of command sa Camp Crame, Quezon City noong Abril 24, 2023. Subalit, naabot na niya ang compulsory retirement age na 56 taon para sa mga personnel ng PNP noong Disyembre 3, 2023.

Kabilang si Acorda sa mga kasapi ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991 at naglingkod sa PNP ng mahigit 37 taon. Bago maging hepe ng PNP, siya ay nagsilbing direktor ng PNP Directorate for Intelligence.

Ang pagpapalawig sa termino ni Acorda ay inaasahang magbibigay daan sa pagpapatuloy ng kanyang mahalagang ambag sa PNP at pagtutok sa mga hakbangin na naglalayong mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo