Pinalitan ang 3 provincial directors at 24 police officials sa Calabarzon region

0
499

Ipinatupad ni Gen. Jose Melencio Nartatez ang unang wave ng reshuffle ng mga pangunahing posisyon sa hanay ng kapulisan at nagpalit ng tatlong provincial directors at 24 na opisyal ng pulisya kabilang ang ilang command staff sa Calabarzon.

Sina Col. Glicerio Cansilao, Cecilio Ramos Ison at Arnold Abad, provincial director ng Batangas, Laguna at Cavite ay pinalitan nina Col. Pedro Soliba, Randy Glenn Silvio, ayon sa pagkakasunod-sunod at Deputy provincial director for Administration, Lt. Col. Pablito Naganap bilang Officer-in- Charge ng Cavite provincial police office.

Si Cansilao ay pinangalanan bilang Chief of the Directorial Staff sa Bicol region at si Ison ay inilagay sa floating status habang si Abad ay inilipat sa Police National Training Institute (PNTI) para sa administrative position.

Kabilang ang Chief of Police ng Cavite City, General Trias, Tanza at si Col. Arnel Pagulayan ng Biñan City sa 24 na opisyal ng pulisya na pinalitan.

Sila ay itinalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Section Unit at pinalitan ng kanilang Deputy Chief bilang Officer-in-charge habang hinihintay ang permanenteng Chief of Police.

Tatlong opisyal ng pulisya na nakatalaga sa Command Staff ay pinalitan din dahil sa kanilang pag-aaral at inilipat mula sa ibang rehiyon.

Sinabi ni Nartatez na ang reshuffle ay bahagi ng realignment ng PNP dahil sa career advancement ng mga opisyal sa ilalim ng Public Safety Officers Basic Course (OSEC) para sa promosyon.

Apat pang pulis ang papalitan sa susunod na wave ng reshuffle ngayong Oktubre.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.