Pinangunahan ni Duterte ang muling pagbubukas ng PNR San Pablo-Lucena commuter line

0
429

San Pablo City, Laguna. Sumakay si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang biyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) mula Lucena City hanggang San Pablo City bilang hudyat ng pagbubukas nito sa publiko.

Sa programang isinagawa sa San Pablo City PNR Station, binigyan diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng public transport upang gawing mas maginhawa ang kalidad ng buhay ng riding public.

Kasama sa muling pagbubukas ng San Pablo-Lucena commuter line sina San Pablo City Mayor-Elect Vic B. Amante, San Pablo City, Laguna Urban Development and Housing Officer Emilio Tirones, Congressman-Elect (Laguna 3rd District) Amben S. Amante, Depatment of Transportation (DOTr), PNR General Manager Junn Magno at Indonesian Ambassador, H.E. Agus Widjojo.

Sa bukod na panayam, ipinahayag ni Mayor-Elect Amante ang kanyang pasasalamat sa muling pagbubukas ng San Pablo- Lucena loop. “Malaking tulong ito sa mga mangangalakal ng Laguna at Quezon. Magiging madali ang biyahe ng mga isda, gulay at niyog. Bubuksan nito ang mga potensyal na pang-ekonomiya at magpapahusay ito ng mobillity hindi lamang sa Laguna at Quezon kundi sa buong Southern Tagalog Region,” ayon kay Amante.

Ang PNR San Pablo-Lucena loop ay isang 44-kilometrong inter-provincial commuter railway na may mga istasyon at flag stop para sa araw-araw na commuter o maikling paglalakbay. Bibiyahe ito ng sampung beses sa isang araw na may pamasaheng Php 50.00 at Php 40.00 para sa senior citizens. Humugut kumulang na isang oras at kalahati ang biyaheng San Pablo City-Lucena kasama na ang oras ng mga pagtigil sa mga istasyon.

“Malaking tulong ito sa mananakay dahil mura ang pamasahe, comfortable ang rides at tiyak ang oras ng dating mo sa yong destinasyon. Makakatulong ito sa ba’t ibang aspeto ng socio-economic development, kabilang ang economic stability, mobility at connectivity. Nakabuti ito sa mga informal settlers ng San Pablo City dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magkabahay sa murang halaga,” ayon kay Tirones.

Ang commuter line ng San Pablo-Lucena ay tumigil noong Oktubre 2013 matapos gumuho ang abutment o supporting structure nito.

Pinangunahan ni Pangulog Rodrigo Duterte ang muling pagbubukas ng PNR San Pablo-Lucena loop. Kasama isinagawang reopneing ng 44 kilometrong commuter line sina San Pablo City Mayor-Elect Vic B. Amante, San Pablo City, Laguna Urban Development and Housing Officer Emilio Tirones, Congressman-Elect (Laguna 3rd District) Amben S. Amante, Depatment of Transportation (DOTr), PNR General Manager Junn Magno at Indonesian Ambassador, H.E. Agus Widjojo.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.