Pinas, US, Canada, at Australia nagsagawa ng joint patrol sa West Philippine Sea

0
174

MAYNILA. Nagsagawa ng joint sea at air patrol ang Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Canada sa West Philippine Sea (WPS) kahapon, na layong palakasin ang kooperasyon at interoperability ng kanilang mga sandatahang lakas.

Ayon sa joint statement ng apat na bansa, ang hakbang na ito ay isang “collective commitment” na naglalayong palakasin ang regional at international cooperation para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.

“Demonstrating our collective commitment to strengthen regional and international cooperation in support of a free and open Indo-Pacific, our combined armed forces will conduct a Multilateral Maritime Cooperative Activity within the Philippines’ Exclusive Economic Zone on August 7 and 8, 2024,” ayon sa joint statement nitong Miyerkules mula kina AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., Admiral David Johnston ng Australian Chief of Defence Force, Gen. Jennie Carignan ng Canadian Chief of Defence Staff, at Admiral Samuel Paparo, Commander ng US Indo-Pacific Command.

Ang layunin ng joint patrol ay upang tiyakin ang kalayaan sa paglalayag at paglalakbay sa himpapawid alinsunod sa mga probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo