Pinatay ang kapitbahay dahil sa right of way

0
318

Antipolo City. Inaresto ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station (CPS) ang isang 46 anyos na lalaki matapos niyang pagbabarilin ang kanyang kapitbahay habang nagtatalo tungkol sa right of way sa Purok 6, Barangay Calawis ng lungsod na ito.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si Nonito Salluman, 39 taong gulang na residente ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang bumaril na si Florante Quimson na kapitbahay ng biktima.

Sa paunang pagsisiyasat ng Antipolo CPS, bandang 6:30 ng umaga ng magalit ang biktima kay Quimson dahil sa paglalagay nito ng bakod na kawayan sa daanan ng pamilya ni Salluman.

Batay sa pahayag ng mga kapitbahay, pinagtataga ng biktima ang bakod na inilagay ng suspek na dahilan ng pagkagalit ng suspek. Kumuha ng baril si Quimson at nagpaputok ng warning shot ngunit sa halip na tumigil ay sumugod ito kung kaya pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Agad na naaresto ng mga pulis ang suspect at nakatakda itong humarap sa kasong homicide.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.