Pinay na nailigtas matapos ang 60 oras sa ilalim ng gumuhong gusali, ‘maayos ng nagpapagaling’

0
336

Nailigtas ang isang Pinay makalipas ang 60 oras sa ilalim ng gumuhong gusali sa lalawigan ng Hatay at sa kasalukuyan ay nagpapagaling at nasa maayos ng kalagayan, ayon sa Philippine Embassy sa Turkey kanina.

Si Juliva Benlingan ay nasa trabaho nang inireport na nawawala matapos ang 7.7-magnitude na lindol na tumama sa timog-silangan ng Turkey noong Pebrero 6.

Ang kapatid ni Benlingan na si Maribel ang nagreport noong Pebrero 9 na si Juliva ay natagpuang buhay, isang araw matapos ipaalam sa kanila ng kanyang amo na siya ay “naiwan sa gusali dahil siya ay patay na.”

Ang mga opisyal ng embahada noong Martes ay bumisita kay Benlingan sa isang ospital sa lalawigan ng Adana.

“She thanks God for a second chance at life and the Embassy for their well-wishes,” ayon sa embassy.

Ang team ng embassy na nakabase sa Mersin ay nagbigay din kay Benlingan ng tulong pinansyal at nagbigay ng mga token ng pagpapahalaga sa kanyang mga doktor at nars.

“From the time we learned of the earthquake in Turkey and we cannot contact our sister, working in Hatay, we bended in prayer pleading to God for miracles. I received a call from the employer yesterday telling me that my sister was left in the building because she’s dead. But, we did not give up praying for miracles, all the more that we stormed the heavens crying for life. And indeed God answered our prayers. From the bottom of our hearts, thank you so much,” ayon sa Facebook post ni Maribel matapos mailigtas ang kanyang kapatid.

Julieva Benlingan (Photo courtesy of MARIBEL BENLINGAN-LIYAB)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.