Pinay OFW kumpirmadong nasawi sa sunog sa Hong Kong, ayon sa consulate

0
306

HONG KONG – Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na isang overseas Filipino worker ang nasawi sa malagim na sunog sa Tai Po district noong Nobyembre 26.

Sa inilabas na pahayag, hindi pinangalanan ng konsulado ang biktima, ngunit inilalarawan siyang isang Pilipinang umalis ng bansa upang maghanap ng mas magandang oportunidad at nagsakripisyo nang husto para sa kanyang pamilya.

Nagpaabot ng pakikiramay ang konsulado sa mga naulila, at sinabing nakikiisa ito sa pagdadalamhati ng pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay ng biktima. Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang konsulado hinggil sa mga pangyayaring humantong sa kanyang pagkamatay.

Sa hiwalay na abiso, iniulat ng konsulado na 79 Pilipino ang ligtas at nakumpirmang accounted for, habang 12 pa ang patuloy pang bineberipika.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.