Pinayagan ni PNP Chief Carlos ang mga tauhan ng PNP na mag pasko sa piling ng kanilang mga pamilya

0
216

Bibigyan ng pagkakataon ni Philippine National Police Chief, Police General Dionardo Carlos na ang mga pulis na makasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko.

Upang maging posible ito, inihayag ng police chief sa ceremonial lighting ng Christmas lights sa PNP headquarters sa Camp Crame na magpapatupad ang PNP ng scheme na magbibigay-daan sa mga pulis na magsagawa ng tungkulin malapit sa kanilang mga tahanan.

“I am asking the Directorate for Personnel and Records Management to find a way for commissioned and non-commissioned officers to perform their duties away from their original assignments if needed, “The policy of cancelled holiday vacation for police personnel will be sustained but at least they will have the opportunity to still spend Christmas with their families,” ayon kay Carlos.

Ipapakalat ang mga pulis sa mga police station na pinakamalapit sa kanilang mga tahanan. Maaari rin silang magsilbing augmentation force kung magkakaroon ng mga emergency na mangangailangan ng kanilang tulong.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.