MAYNILA — Matapos ang isang linggong masusing pagsusuri sa lahat ng alokasyon at probisyon, pinirmahan ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes ang iminungkahing pambansang badyet para sa fiscal year 2026.
Ang seremonya ng pagpirma sa P6.793-trilyong badyet ay ginanap sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace at dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng pamahalaan, senador, at kongresista.
“With the signing of Republic Act No. 12314 or the General Appropriations Act (GAA) for fiscal year 2026, we are committing to implement a budget that serves the people. Totaling P6.793 trillion, the national budget is aligned with our medium- and long-term development plans and vision, reflecting our investment in the Filipino,” ani Marcos.
“The passage of the national budget is only the beginning. Because today, we commence with the most difficult tasks—to ensure the proper execution and instituting true accountability.”
Ayon sa Pangulo, patuloy na susuportahan ng 2026 budget ang reporma sa edukasyon, proteksyon sa kalusugan, seguridad sa pagkain, social security, at paglikha ng trabaho.
Edukasyon at Kalusugan: Pinakamalaking Alokasyon sa Kasaysayan
Bilang itinakda ng Konstitusyon, nakatanggap ang edukasyon ng pinakamalaking pondo, na umaabot sa higit P1.34 trilyon. Ilan sa pondong ito ay ilalaan sa paglikha ng teaching at non-teaching plantilla positions, promosyon at reclassification ng mga guro, at konstruksyon ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Samantala, ang kalusugan ay nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa kasaysayan ng bansa, na umaabot sa P448.125 bilyon, kabilang ang P1 bilyong pondo para sa zero balance billing program sa mga lokal na ospital, pati na rin sa surveillance ng sakit, rapid response mechanisms, at sustainable health financing.
Nakakuha rin ang PhilHealth ng halos P130 bilyon, kabilang ang P60 bilyong ipinalabas ayon sa kautusan ng Korte Suprema.
“These funds shall support preventive healthcare and the improvement of PhilHealth benefit packages, lowering the out-of-pocket expenses of Filipino families,” ani Marcos.
Agrikultura at Social Services
Ang sektor ng agrikultura ay nakatanggap ng higit P297 bilyon para sa modernisasyon ng supply systems at suporta sa mga magsasaka at mangingisda, kabilang ang pagtatayo ng farm-to-market roads.
Ang sektor ng social services naman ay binigyan ng higit P270 bilyon, upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino at mapalakas ang human capital development.
Sa pamamagitan ng mga pangunahing programa, layunin ng Pangulo na maabot ang single-digit poverty rate pagsapit ng 2028.
Military at Uniformed Personnel
Suportado rin ng 2026 GAA ang implementasyon ng updated base pay at increased subsistence allowance para sa mga sundalo at uniformed personnel.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, tiniyak ng Ehekutibo na ang 2026 GAA ay makatutugon hindi lamang sa legal at teknikal na pamantayan kundi sa aktwal na pangangailangan ng mamamayan.
Veto sa Unprogrammed Appropriations
Ipinahayag ni Marcos na binawi niya ang halos P92.5 bilyon sa unprogrammed appropriations upang matiyak na malinaw at makatarungan ang paggamit ng pondo publiko.
“Let me be clear—the unprogrammed appropriations are not blank checks. We will not allow the unprogrammed appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending,” ani Marcos.
Ayon kay Deputy House Minority Leader Edgar Erice, pinaplano niyang kwestyunin ang 2026 national budget sa Korte Suprema dahil sa unprogrammed funds.
“Pinag-aaralan pa lang namin pero just the same, ang aking position, all unprogrammed funds in any form are unconstitutional. So I will have to challenge it before the Supreme Court,” ani Erice.
Reenacted Budget
Pinagtibay ni Marcos na sa pagpirma ng 2026 GAA, ang 2025 GAA ay deemed reenacted at nananatiling epektibo hanggang Enero 4, 2026.
“In this regard, the DBM shall consider the expenditures lawfully incurred under the reenacted budget in formulating its fund release for the guidelines of fiscal year 2026,” ani Marcos.
Pokus sa Pagpapatupad at Responsableng Paggastos
Ayon sa Pangulo:
“Sa national budget ng 2026, malinaw ang direksyon ng inyong pamahalaan, magiging mas masinop, mas maingat, mas responsable kami sa paggastos ng pondo ng bayan.”
“Ang bawat programa at proyekto ay dadaan sa masusing pagsusuri upang masiguro na ito ay may malinaw na benepisyo sa mamamayan, lalo na sa sektor na higit na nangangailangan. Magtatrabaho ang administrasyong ito upang mapabuti ang sistema, mapalakas ang pananagutan, at matuldukan ang katiwalian.”
Sinabi rin ni Recto na ang pagpirma ng budget ay simula pa lamang, at ang tunay na pagsusuri ay nasa implementasyon.
“The signing of this budget is only the beginning. Its true test is in its implementation. At dito na papasok ang Ehekutibo. Kaya ang pangako namin ay simple, sisiguraduhin naming totoong makikinabang ang taumbayan,” ani Recto.
Pinakamalaking Badyet para sa Edukasyon
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang 2026 budget ay ang pinakamalaki para sa DepEd sa mga nagdaang taon. Saklaw nito ang konstruksyon ng silid-aralan, pasilidad sa paaralan, learner subsidies, textbooks, feeding programs, digital equipment, at pag-hire at training ng mga kawani.
- P85.3 bilyon para sa 165,000-classroom backlog, kabilang ang P65 bilyon para sa 24,964 bagong silid-aralan at P7.7 bilyon para sa repair at rehabilitation ng umiiral na gusali.
- P19.5 bilyon para sa produksyon ng textbooks at learning materials.
- P10.6 bilyon para sa DepEd Computerization Program, para sa laptops, digital tools, at internet connectivity.
- P4.6 bilyon para sa teacher training at P42.4 bilyon para sa bagong plantilla positions, kabilang ang 32,916 teaching items, 6,000 Principal I posts, at 10,000 School Counselor Associate positions.
Para sa nutrisyon at feeding programs, nakatanggap ang Expanded School-Based Feeding Program ng P25.6 bilyon, na makikinabang sa humigit-kumulang 4.6 milyong mag-aaral.
“We are looking at a very promising 2026 for the education sector,” ani Angara.
Sa kabila ng selektibong patakaran tulad ng “no cellphone” policy sa seremonya ng pagpirma, tiniyak ng pamahalaan na malinaw ang direksyon ng 2026 GAA sa responsableng paggastos at benepisyo para sa taumbayan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





