Pinoy na tinatamaan ng chronic kidney disease, lomolobo

0
384

Nagbabala ang health experts kahapon hinggil sa pagdami ng mga Pilipino na tinatamaan ng chronic kidney disease.

Ayon sa ulat, halos 7 milyong Pilipino ang may ganitong sakit. Mahalaga nag early diagnosis para mapigilan ito, ayon sa mga eksperto.

“We have seen a significant increase of chronic kidney disease being one of the top five causes of death of Filipinos,” ayon sa pahayag ni Dr. Vimar Luz, board member ng Philippine Society of Nephrology.

Ganun pa man, maraming indibidwal ang hindi nakakaalam na mayroon silang problema sa kidney, dahil hindi sila nagpapasuri.

Batay sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), ilang pasyente na dinala sa ospital ang nakakaranas na ng renal failure.

“These are lifestyle diseases, sa ating pagkain, too much carbohydrates, sugar, diabetes ‘yun, hypertension, cholesterol, triglycerides, ‘yung mga taba sa pagkain. At around 50 to 70 years old, marami na tayong sakit dahil sa poor eating habits,” pahayag ni NKTI executive director, Rose Marie Rosete-Liquete.

Gaya ng ibang sakit, maiiwasan ang sakit sa kidney sa pamamagitan ng healthy lifestyle, pagkain, at regular check-ups.

“Sa kabataan pa lamang, dapat ay nagkakaron na dapat ng mga test, urinalysis ang isa sa mga pinaka-basic. Palagay ko yan ang importante nating malaman para maagapan. Karamihan diyan yung namamaga ang kidney sa mga bata, ‘pag medyo teenager na sila, or 20’s 30’s chronic glomerulonephritis na yun, yung namamaga ang kidney,” dagdag pa ni Liquete.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.