Pinuno ng NPA, napatay sa Quezon

0
656

Tanay, Rizal. Napatay ang isang pinaniniwalaang mataas na pinuno ng News People’s Army (NPA) sa pakikipag sagupaan laban sa militar kamakalawa sa Polillo, Quezon.

Ang nasawi ay kinilalang isang alyas Facio na 3rd Deputy Secretary ng Sub Regional Military Area 4A at political instructor ng Platun Dos ng Komite Larangang Gerilya NARCISO ng SRMA-4A, ayon sa ulat.

Si alyas Facio ay napatay sa pakikipaglaban sa 1st Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division, Philippine Army sa Sitio Saging, Barangay Binibitinan munisipalidad ng Polillo, lalawigan ng Quezon.

Batay sa paunang imbestigasyon. Nakatanggap ang militar ng sumbong na may mga armadong lalaki na pinaniniwalaang mga NPA sa nabanggit na lugar na may kasamang mga lokal na mamamayan na diumano ay nagpaplanong ng pangingikil.

Pinuntahan ng mga sundalo ang lugar kung saan ay tumagal ng sampung minuto ang labanan na nagsanhi ng pagkamatay ni alyas Facio.

Nakuha ng mga sundalo sa lugar ng insidente ang isang M653 Rifle, isang magazine, dalawang anti-personnel mine, isang bandolier at mga subersibong dokumento.

Kaugnay nito pinuri ni Major General Rowen S Tolentino ang pagsisikap ng 1st Infantry Battalion atnagpasalamat siya sa mga tao sa kanilang pagnanais at pakikipagtulungan sa pagwawakas sa communist insurgency. 

“Ang hindi kinakailangang pagkawala ng buhay ay naiwasan sana kung ang Communist Terrorist Group ay pinabayaan ang mapagmahal sa kapayapaan na mga tao ng Pollilio at hahayaan silang umunlad nang walang takot mula sa pagkaladkad sa mahabang hamak na komunistang ideolohiyang ito,” ayon kay Tolentino.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.