Lider ng organized crime group sa Cavite, ibinalik sa piitan

0
426

Dasmarinas City Cavite. Muling nahulog sa mga kamay ng batas si Joel Sarimos, lider ng Sarimos drug group sa ilalim ng drug buy-bust operations na isinagawa ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at ng Dasmarinas City Police Station kahapon.

Si Sarinos ay nadakip sa Brgy. Paliparan 1, Dasmarinas City, Cavite at nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 103,500.

Ang Sarinos drug group na dating pinamumunuan ng suspek ay pinaniniwalaang responsable sa pagbebenta ng iligal na droga at pagsasagawa ng gun for hire activities sa Dasmarinas City at mga kalapit bayan. Ang nabanggit na grupo ay nabuwag noong maaresto si Sarinas noong 2018 ngunit pansamantala itong nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.

Ang kaso ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay kasalukuyan ng inihahanda laban kay Sarinos.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.