Pinuri ang Calabarzon police sa pagsuko ng mga dating rebelde sa Batangas

0
271

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang Police Regional Office (PRO) 4-A (Calabarzon) matapos sumuko ang mga dating rebelde dala ang kanilang mga baril sa mga awtoridad sa Batangas.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni Azurin na 14 na miyembro ng Eduardo Dagli Command group sa ilalim ng combat support element ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4C at New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Matabungkay, Lian, Batangas noong Biyernes.

Nasa kustodiya na sila ng 403rd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 4-A.

“I commend all the units involved in this successful accomplishment headed by Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Regional Director PRO 4-A. Let us continue doing our best to ensure the maintenance of peace and order in our community, especially this coming holidays. The PNP is continuously extending the government’s arms of reconciliation and peace, especially to those who wish to return to the fold of the law, cooperate in nation-building and live peacefully and happily in the community together with their families,” ayon kay Azurin.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na nananatiling nakatuon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtugon sa problema ng insurgency sa bansa dahil nagbibigay din ito ng tulong sa mga dating rebelde upang makabalik sa mainstream society.

Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), sinabi ni Abalos na tinulungan ng pambansang pamahalaan ang 1,100 dating rebelde na makabalik sa lipunan mula noong Hulyo 1. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.