Pinuri ng DENR ang pagbibisikleta bilang sustainable, environment-friendly na transportasyon

0
205

“Such is the robust partnership we have nurtured through the years with the bicycle-riding communities particularly the National Bicycle Organization (NBO) who has come out strongly for President Rodrigo Roa Duterte’s issuance of Presidential Proclamation (PP) 1052,“ ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagpahayag ng kanilang pangako na isulong ang mga interes ng bicycle-riding community, bilang isang bicycle advocacy group na pinuri ang mahalagang papel ng ahensya sa taunang pagdiriwang ng National Bicycle Day.

Sa pagdiriwang ngayong taon ng National Bicycle Day na ginanap noong Nobyembre 28, natanggap ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda mula sa NBO ang isang bicycle sculpture na gawa sa bronze bilang pagkilala sa kanyang “remarkable na kontribusyon bilang bicycle advocate .”

Ang NBO ay nagsusulong para sa bicycle pedestrian-friendly na batas at pagpapatupad ng mga ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pampubliko at pribadong organisasyon sa lokal, rehiyonal at pambansang antas.

Ayon kay Ching Salinas, pinuno ng Bike Lanes Program Office ng Metropolitan Manila Development Authority, nasa 313 kilometro ng mga kalsada ang itinalaga ngayon bilang bike lane sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo