Pinuri ni Vice President Sara Duterte kahapon ang pagsisikap ng mga tao sa likod ng mga kahanga-hangang tagumpay ng lalawigan ng Batangas sa nakalipas na apat na siglo.
Ipinahayag ito ng bise presidente kasabay ng sa pagdiriwang ng 441st founding anniversary ng Batangas.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Duterte na ang gawain ng Batangueno ay karapat-dapat na papurihan sapagkat isinasaalang-alang nila kung paano mapalakas ang Batangas sa loob ng mahigit apat na siglo.
“Tunay na mahaba na ang pinagdaanan ng probinsya at pinupuri natin ang mga lider at mga Batangueño sa paghubog ng isang matatag na Batangas. Dahil dito, naging maayos ang ekonomiya, turismo, human resource, at mga pagbabago na nakatuon sa pagpapaunlad ng probinsya (Because of this, their economy, tourism, human resource and changes are all geared to the progress of the province),” ayon kay Duterte.
Aniya, ang katangiang ito ng mga tao ay higit na magdadala ng mas maraming tagumpay sa lalawigan.
Honorary public service
Samantala, kinilala ang bise presidente sa Dangal ng Batangan ng lalawigan para sa serbisyo publiko.
Pinarangalan si Duterte bilang “Natatanging Batangueño,” kasama ang kanyang asawa na nagmula sa Ibaan.
Kasunid nito ay binigyang-diin niya ang halaga ng paglilingkod nang may dignidad at karangalan sa pagtanggap niya ang parangal.
Bukod kay Duterte, ang iba pang personalidad na kinilala ay sina Senator Ralph Recto, Judge Alvin Landicho, Dr. Roberto Magsino, Justice Rosmari Carandang at Admiral Artemio Abu. (PNA
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo