Pipirmahan ni Pangulong Marcos ang cash incentives ng seniors na edad 80, 85, 90

0
205

Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bukas ang panukalang magbibigay ng cash incentive sa mga senior citizen na aabot sa edad na 80 at 90 taong gulang.

Ang Senate Bill no. 2028 at House Bill No. 7535 o ang “Granting Benefits to the Filipino Octogenarians at Nonagenarians” ay pipirmahan bukas, Pebrero 26, 9:00 ng umaga sa Malacañang.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng P10,000 cash gift ang mga senior citizens na aabot sa 80, 85, 90 at 95 taong gulang, habang ang aabot naman sa edad na 100 ay mabibigyan ng P100,000.

Layunin nito na mabigyan na ng cash benefits ang mga senior citizens at mapakinabangan na nila ito habang sila ay nabubuhay pa.

Bukod sa nasabing batas, lalagdaan din ni Pangulong Marcos ang Senate bill No. 2221 at House Bill No. 7325 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers”, gayundin ang Senate Bill No. 2426 at House Bill No. 8525 o “Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo