Pitong gabay sa tamang pagsisipilyo

0
1693

Ang sirang ngipin o dental caries ang isa mga problema sa usaping oral health, isa na itong epidemya na nagkalat sa buong mundo. 

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may maraming may sakit tungkol sa dental caries. Ito ay nakukuha sa sugary foods, bacteria ng bibig at maling paraan ng pagsisipilyo o pag aalaga ng ngipin. 

Kaya hayaan ninyong bigyan ko kayo ng mga gabay sa tamang pagsisipilyo para maiwasan ang pagkasira ng ngipin. 

Una, tingnan kung tama ang content ng toothpaste na gamit natin. 1000ppm kung 6 month to3 years old at 1500ppm (parts per million) kung 4 years old pataas.

Pangalawa, maglagay ng tamang dami ng toothpaste sa sipilyo. Sa 6 months to 3 year old ay bahid lamang. Kapag 4-6 year old ay ga mais at 7 years old pataas, lagyan ang buong toothbrush head.

Ang tamang dami ng tooth paste ay mahalaga upang makuha ang tamang fluoride na kailangan ng ngipin na nagpapatibay nito. 

Pangatlo, sipilyuhin ng paikut-ikot at magaan lamang para hindi ma pudpod ang gums at ang ngipin na nagsasanhi ng pagkangilo dahil nae- expose ang cementum or ugat ng ngipin at dentin na mga sensitive part ng ating ngipin. 

Pangapat, magsipilyo ng (2) dalawang minuto upang luminis na mabuti ang mga ngipin. Importante din na sipilyuhin ang dila. 

Panglima, pagkatapos magsipilyo, huwag na mag mumog dumura lamang.Marami sa atin ang nakagawian na magmumog ng tubig pagkatapos magsipilyo. Mali po ito dahil natatapon ang fluoride ng toothpaste na siyang nagbibigay tibay sa ating mga ngipin. 

Pang anim, magsipilyo sa umaga at sa gabi.

Pampito, magsipilyo bago matulog sa gabi at huwag ng kumain o uminom ng gatas pagkatapos magsipilyo dahil maaaring maiwan ang sugar at dumikit sa mga ngipin at magsanhi ng pagkasira ng ngipin. 

Huli, gumamit ng dental floss para naman linisin ang mga pagitan ng ngipin. Hindi lahat ng dumi ay natatanggal ng toothbrush. Makakatulong din ito sa pagtanggal ng bad breath o mabahong hininga. 

Paalala din ng mga dentista na bumisita sa mga dental clinic kada anim na buwan para ma-check up at malinisan ang bibig. 

Panoorin ang vlog na ito at huwag kalimutang mag subscribe sa Doc Jeff Sumague TV para sa karagdagang kaalaman tungkol sa oral health. Maraming salamat po

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.