Pitong miyembro ng NPA, sumuko

0
405

Pitong rebeldeng komunista na itinuring na responsable sa mga serye ng karahasan at pananambang sa ilang personalidad sa Southern Tagalog, ang isinuko sa mga awtoridad ng pulisya sa Calabarzon kahapon, ayon sa ulat ni Calabarzon Regional Director Brig. Gen. Antonio Yarra.

Ang boluntaryong pagsuko ng pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ay bunga ng pagsisikap ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa pangunguna ni Col. Ledon Monte, Force Commander, ayon kay Yarra.

Lima sa mga sumuko ang kasalukuyang miyembro ng Samahan ng Maliit na Mangingisda Taal (SAMMA) na kaanib ng AnakPawis at ang dalawa pa ay dating miyembro ng Dismantled Kilusan Larangan Gerilya Galaxy, Sub-Regional Military Area, Southern Tagalog Regional Party. 

Ang isa sa kanila ay umamin na bukod sa pagiging bahagi ng mga karahasan sa Southern Tagalog ay isa siyang beteranong miyembro ng Alex Boncayao Brigade na nag-ooperate sa National Capital Region noong early at mid 90s habang ang isa ay umamin na sangkot sa Mt. Banoi encounter noong 2017.

Ang mga rebel returnees ay nagsulit ng tatlong pistol at iba’t ibang kalibre ng bala, dalawang pampasabog at mga subersibong dokumento.

Ibinunyag din nila ang diumano ay pagsasamantala ng ANAKPAWIS sa umiiral na organisasyong masa sa bayang nakapalibot sa Lawa ng Taal na anila ay pinakikilos upang magmartsa sa bawat protesta sa Metro Manila.

Tiniyak ni Monte ang seguridad at kaligtasan ng mga sumukong rebelde. Binigyan din sila ng initial cash assistance at dry goods habang sila ay sumasailalim sa custodial debriefing.

Now is the time to wake up and stand against the deceptive lies of the CPP-NPA-NDF terrorist group, to those who were afraid or hesitant to lay down their arms and go back to the folds of government. I will assure you that we will be true to our commitment to respect and uphold the rights of the former rebels under our custody. It is never too late to go back to your normal lives and return to your families. Calabarzon police will not be tired of promoting welfare and embracing our brothers who were once lost by the deceptive propaganda of the communist rebel group,” ayon kay Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.