Pitong rebelde nagbalik-loob sa pamahalaan

0
345

Calamba, Laguna. Nagsuko ng mga baril na .38 revolver at isang kalibre .45 pistol na may mga live ammunition sa Regional Mobile Force Battalion 4A (RMFB 4A) ang tatlong dating rebelde kahapon.

Kinilala ni RMFB Force Commander, Police Colonel Ledon D. Monte ang mga sumuko sa kanilang mga alyas na sina Reymark, Bautista, Ailyn, Alan, Narsing;Romeo at Nanay Pacing. Ayon sa profile ng mga dating rebelde, ang ilan sa kanila ay sangkot sa mga naganap na armadong engkwentro laban sa mga tropa ng gobyerno sa Quezon at Rizal provinces samantalang ang iba ay mga kilalang mass organization leaders na kumikilos sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna.

Ang mga pangunahing dahilan kung bakit pinili nilang bumalik sa kanlungan ng batas ay ang pag unawa na sila ay pinaglalaruan sa mga ideolohiya ng CPP, NPA at NDF, pagod at matinding kakapusan sa pagkain, takot sa kanilang buhay at ang kalinawan na sila ay pinagsamantalahan upang makapag recruit ng mga miyembro at makalikom ng pondo para sa mas mataas na mga kumander.

Isinailalim sa custodial debriefing ang mga sumukong rebelde at ibibilang sa talaan ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program upang makatanggap sila ng sapat na tulong mula sa gobyerno kasabay ng muling pakikihalubilo sa lipunan.

‘We call to those who still remain members of these left-leaning organizations to evaluate their present situations… and to those whom different mass organizations are recruiting, your families and communities need your presence. We can only achieve lasting peace if we work together. The police and the government are doing their best to deliver well in their sworn duties.” ayon kay Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.