Piyansa sa mahihirap, pinababa ng DOJ

0
286

Ibinaba ng Department of Justice (DOJ) sa P10,000 ang piyansa para sa mahihirap na nahaharap sa kasong kriminal.

Sa isang department circular, inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga prosecutor na sa panahon ng inquest o preliminary investigation ay alamin kung ang respondent ay indigents at irekomenda ang mas mababang piyansa.

Sakaling mapatunayan na guilty ito sa ginawang inquest o preliminary investigation ay 50% lang ng piyansa ang irerekomenda para dito o P10,000 o kung alin ang mas

mababa.

Hindi tinukoy sa DOJ circular ang nature ng krimen pero itinakda sa P10,000 ang cap bilang maximum na halaga para sa indigents. 

Ayon naman kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, effective immediately ang nasabing circular.

Nabatid na ang nasabing reporma ay inirekomenda ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa ginawang Justice Sector Coordinating Council noong Enero bilang solusyon sa jail congestion.

Tiniyak naman ni Remulla na magkakaroon ng safeguards ang circular na ito upang hindi maabuso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.