PlanBank sa Bay, tinangkang looban

0
519

Bay, Laguna.  Tinangkang looban ang branch ng PlanBank sa bayang ito ngunit tumunog ang bank alarm system at agad na tumugon ang mga pulis ng Bay Municipal Police Station (MPS).

Nakita ng mga nagrespondeng tauhan ng Bay MPS ang isang manhole sa dingding papasok sa loob ng bangko.

Binuksan ng manager ang bangko at nakita din ang manhole sa sahig nito. Napag alaman din na tinangka ng mga magnanakaw na buksan ang ATM vault gamit ang acetylene torch ngunit nabigo silag mabuksan ito.

Walang mahalagang bagay na nawala sa bangko, ayon sa manager nito.

Samantala, hiniling ng Bay MPS sa Laguna Provincial Forensic Team na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon upang matuloy ang mga suspek na robbers.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.