Planong buweltahan ng kampo ni dating Senador Leila de Lima ang mga nag akusa sa kanya

0
161

Ipinahayag ng kampo ni dating Senador Leila de Lima ang kanilang plano na buweltahan ang mga taong nag-akusa sa kanya at nagdawit sa illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pahayag ni Atty. Dino de Leon, pinag-usapan na ng kanilang koponan ang tamang hakbang para tugunan ang kanilang tinatawag na “political prosecutors.” Iginiit ni De Leon na hindi dapat walang managot, lalo na sa mga bumaboy sa sistema ng katarungan sa bansa.

Ayon sa abogado, ang mga nasa likod ng frame-up at sangkot sa political persecution kay dating Senador de Lima ay kinakailangang managot sa pagkakabilanggo niya sa loob ng mahigit anim na taon.

Samantalang umaasa si De Lima na magkaroon ng pagkakataon na makita ang kanyang pamilya sa lalawigan at muling maibalik ang normal na buhay matapos makapag-bail at makalabas ng bilangguan nitong Lunes.

Dumulog rin ang dating senador sa Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary sa Manaoag, Pangasinan, kahapon. Inamin niya na wala siyang tulog dahil sa matinding pagod mula nang makalabas sa Camp Crame.

Ngunit, aniya, ang mahalaga ngayon ay kasama na niya ang kanyang mga kaibigan, at sa mga susunod na araw, makakasama na rin niya ang kanyang pamilya at muling makakabalik sa kanyang normal na buhay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.