Planong pagpatay kay Marcos, iimbestigahan ng PNP

0
440

Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang mga sumbong hinggil sa planong pagpatay kay dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Chief PNP Gen. Dionardo Carlos noong Lunes.

Sa panayam ng mga media sa PNP headquarters sa Camp Crame, sinabi ni Carlos na nangangalap ng karagdagang impormasyon ang pulisya sa diumano ay planong pagpatay na isang banta sa personal na seguridad ng isang presidential aspirant.

“We will validate it. Mayroon na pong nakipag-ugnayan. With regard to this report, we are open because our commitment is to secure everyone, our commitment is for a peaceful election,” ayon kay Carlos.

Nauna rito, sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatanggap ng online tip ang Office of Cybercrime sa diumano ay planong pagpatay kay Marcos.

Isang post sa TikTok na may nakasulat na “WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready,” ay kumakalat sa social media noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Guevarra na sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat at ang kaso ay isinampa na rin sa PNP-Anti-Cybercrime Group.

Photo: NOEL CELIS/AFP via Getty Images
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.