Plantasyon ng Marijuana nadiskubre sa Quezon

0
426

Calauag, Quezon. Nilusob ng mga tauhan ng  Quezon provincial drug enforcement team, Quezon police mobile force at ng Philippine Army ang isang taniman ng Marijuana sa isang liblib na lugar sa bayang ito kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Col. Ledon Monte, Quezon Provincial Police Office chief  Police chief na 51 gramo ng marijuana ang  nakumpiska sa operasyon at 670 na mga bagong tanim na marijuana ang binunot at sinira ng raiding team.

Sa isinagawang raid, nahuli ang tatlong plantation worker na sina Johnny Escarpe, Edward Cometa at Christian Angelo Cometa, mga tubong Tabaco, Albay at Toledo Cebu.

Ayon sa pahayag ng mga nadakip, ang plantasyon ay pag aari ng isang Jayar Ogdoc Cometa, alias Migu na ayon sa kanila ay nasa Bangkok, Thailand.

Isang informant ang nag tip sa himpilan ng pulisya tungkol sa diumano ay pag aani ng marijuana sa Bantolinao, ayon kay  Police Major Milo Tabernilla, hepe ng Calauag Municipal Police Station.

Bukod sa mga buhay na puno ng mga marijuana, kinumpiska din ang mga tuyong dahon ng Marijuana na nakalagay na sa mga plastic container at may street value na 15,800 pesos.

Ang mga suspects ay dinala sa Quezon Provincial Police Office at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.