Plastic waste para sa semento, itinutulak ng DENR

0
680

Ang mga plastic campaign materials na ginagamit ng mga kandidato para sa May 9 elections ay maaaring i-recycle ng mga planta ng semento, isang hakbang na makakatulong na mabawasan ang solid waste generation ng bansa ng hindi bababa sa 40 porsyento.

Kaya naman hinimok ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang mga gumagawa ng semento na tuklasin ang mga paraan upang magamit ang mga basurang plastik bilang raw materials at binanggit na ilang mga kumpanya ng semento ang nagpatibay na ng environment-friendly conversion.

“When all these cement plants will participate, we can dramatically reduce the volume of plastic waste which will be now regarded as raw materials of the cement plants in their current processing.This measure will reduce by 40 to 60 percent the volume of plastic waste,” ayon kay DENR-EMB Director William Cuñado sa isang news release kanina. 

Sinabi ni Cuñado na ang partisipasyon ng mga local government units sa pamamagitan ng kanilang solid waste management efforts ay makakatulong sa pagbaba ng plastic waste volume.

Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs at tagapagsalita, abogadong si Jonas Leones, ang mga tarpaulin tulad ng ginagamit ng mga kandidato ay maaaring tunawin upang makagawa ng iba pang produkto mula sa mga plastik.

“We are supporting the principle of circular economy and extended producer responsibility or EPR. For us, we are just preparing the policy that would hopefully give incentives to the industries for them to avoid using single-use plastics,’ ayon kay Leones.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.