PMGen Armamento, nagsagawa ng unang command visit sa Laguna PPO

0
453

Sta. Cruz, Laguna. Nagsagawa ng unang command visit kanina sa Laguna Police Provincial Office (PPO) si PMGen Rhoderick C Armamento, Acting Commander, Area Police Command, Southern Luzon.

Mainit siyang tinanggap si PMGen Armamento ng mga tauhan ng pulisya ng Laguna PPO sa pangunguna ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr, Acting Provincial Director Laguna PPO.

Sa kanyang pagbisita, nakipag-usap si PMGen Armamento sa mga kalalakihan at kababaihan ng Laguna PPO at nagbigay ng mensahe at paalala sa mga Staff Officers, Chiefs of Police, at Force Commanders.

Sumunod ang isang command conference kung saan hinamon ni PMGen Armamento ang mga staff officer, Chiefs of Police, at Force Commanders na paigtingin ang interbensyon ng pulisya at i-maximize ang police visibility at itaguyod ang programang pangkapayapaan at seguridad ng PNP (M+K+K=K) Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, Kaunlaran.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni PMGen Armamento ang Laguna PPO sa mga kapuri-puri nitong nagawa. Hinikayat din niya ang Laguna PNP na palakasin ang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan), NTF ELCAC (National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict, Committee on Legal Action (COLA), maayos na working relationship sa mga AFP counterparts, proactive sa iba’t ibang pagtugon sa sakuna, pasiglahin ang kaugnayan sa mga LGU at NGO, Information Communication Technology (ICT) at ang epektibong paggamit ng social media para sa operasyon ng Impormasyon.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.