PNP: Bagong statutory rape law, magpapalakas sa laban vs sexual abuse of minors

0
430

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) kahapon na ang bagong batas na nagtataas ng edad ng sexual consent mula 12 hanggang 16 ay isang malaking pag-unlad sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga menor de edad na kabilang sa mga mahinang sektor ng lipunan.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos na paiigtingin nila ang kanilang information campaign upang maiangat ang kamalayan sa pangangalaga ng kababaihan at menor de edad bilang pagsuporta sa batas.

“With this, our Women and Children Protection desks can initiate their own information dissemination regarding the importance of protecting our children from any form of harm and abuses,” ayon kay Carlos.

Samantala, pinayuhan din ni Carlos ang mga magulang na simulan na ang pagtuturo sa kanilang mga anak kung paano protektahan ang kanilang sarili mula sa mga kriminal.

“The PNP vows to continue its programs that will educate and that will encourage the minors on fighting for their rights,”ayon sa kanya.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 4 at inaamyenda ng Republic (RA) 11468 ang RA 3815 o ang Revised Penal Code at RA 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Nangangahulugan ito na sinumang nasa hustong gulang na nakikipagtalik sa sinumang 16 o mas bata ay mananagot ng ayon sa batas na panggagahasa, maliban kung ang pagkakaiba ng edad sa pagitan nila ay tatlong taon o mas mababa, ang pagtatalik ay napatunayang pinagkasunduan, at hindi mapang-abuso o mapagsamantala.

Ang batas, gayunpaman, ay nagsasaad na ang exemption ay hindi ilalapat kung ang biktima ay wala pang 13 taong gulang.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.