PNP: Bawal ang house-to-house campaign

0
491

Pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief Gen. Dionardo B. Carlos, ang mga kandidato para sa halalan sa Mayo at ang kanilang mga tagasuporta na sumunod sa mga panuntunan sa kampanya na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) na sinusuportahan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“It will be an unprecedented campaign season so we hope that the candidates will set an example to the public of how they should obey our campaign guidelines,” ayon sa kanyang statement kagabi.

Batay sa Comelec Resolution No.10732 na inilabas noong Nobyembre noong nakaraang taon ay nagsasaad ng bagong normal sa pagsasagawa ng mga pisikal na kampanya, rally, pagpupulong, at iba pang kaugnay na aktibidad batay sa alert level na ipinatutupad sa isang lugar.

Ang pinakamababang minimum public health standards ay susundin ayon sa patakaran at rekomendasyon ng Department of Health.

Bawal ang house-to-house campaign kahit may pahintulot ng may bahay, pagsisiksikan, pakikipagkamay o iba pang anyo ng pisikal na pakikipag-ugnayan, pagkuha ng mga selfie o litrato na nangangailangan ng paglapit sa mga tao. Bawal din ang pamimigay ng pagkain at inumin. Ipasusunod din ang mga nabanggit na patakaran sa mas malalaking campaign events.

“Our police personnel shall exercise vigilance in monitoring election-related activities while maintaining our being apolitical,” ayon kay Carlos.

Hiniling din ng PNP sa publiko na tumulong sa pag-uulat ng mga paglabag sa mga probisyon ng kampanya.

Magsisimula ang campaign period sa Pebrero 8 para sa mga pambansang kandidato at sa Marso 25 para sa mga lokal na kandidato.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.