PNP, bumuo ng special committees laban sa kidnapping at fake news

0
42

MAYNILA. Bilang tugon sa lumalalang banta ng kidnapping at pagkalat ng maling impormasyon sa bansa, opisyal nang inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang espesyal na komite: ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee (JAKAC) at ang Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC).

Pangungunahan ni Police Lieutenant General Edgar Alan Okubo, Deputy Chief PNP for Investigation (TDCI), ang JAKAC na may mandato na tutukan ang pagtukoy, pag-imbestiga, at pag-neutralisa sa mga sindikatong sangkot sa kidnap-for-hire operations sa Pilipinas.

Samantala, si Police Lieutenant General Robert Rodriguez, Deputy Chief PNP for Operations (TDCO), naman ang mamumuno sa JAFNAC. Layunin ng komiteng ito na labanan ang pagkalat ng fake news o pekeng balita “that threaten public trust, peace, and national stability.”

“These committees are not just organizational measures—they are proactive responses to modern-day threats. From kidnap-for-hire syndicates to digital disinformation campaigns, the PNP is moving decisively to protect our people. This is our commitment to Bagong Pilipinas—ensuring that law and truth prevail,” pahayag ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil.

Ang pagkakatatag ng JAKAC ay kasunod ng matagumpay na pagresolba sa kaso ng kidnapping at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa kaniyang driver na si Armanie Pabillo. Ayon sa imbestigasyon ng PNP, ang krimen ay isinagawa ng isang kidnap-for-hire group na pinamumunuan umano ng isang Chinese national na si David Tan Liao.

Tiniyak ni Gen. Marbil na patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng mga konkretong hakbang upang mapanatili ang seguridad at integridad ng impormasyon sa bansa, kasabay ng adhikain ng administrasyong Bagong Pilipinas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.