PNP Calabarzon: Sinibak na pulis na sangkot sa pagkawala ng beauty queen, hindi pa kinakasuhan

0
152

CALAMBA CITY, Laguna. Inalis na sa administratibong kaso si Police Major Allan De Castro, ang pulis na isinasangkot sa pagkawala ni Catherine Camilon, ayon kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Direktor ng PNP Calabarzon.

Nilinaw ni General Lucas na wala pang opisyal na kasong isinasampa ang Prosecutors Office sa Batangas laban kay De Castro, at nasa preliminary investigation pa lang ang kasong ito.

Sa isang panayam kahapon, ipinaliwanag ni General Lucas na ang Prosecutors Office ang kasalukuyang nag-aaral kung may sapat na basehan para sampahan ng kaso si Police Major De Castro. Naging maugong ang balita tungkol sa diumano ay paglaya ni De Castro mula sa kulungan, ngunit mariing itinanggi ito ni General Lucas.

Tinukoy ni General Lucas na ang kasong administratibo na inihain laban kay Major De Castro ay kaugnay sa pagkawala ni Camilon. Ito ay pinagpasyahan ng Regional Internal Affairs Service ng PNP Calabarzon na tanggalin na sa serbisyo si De Castro bilang pulis.

Naalala na nawala si Catherine Camilon noong nakaraang taon, at itinuturing na karelasyon niya si Major Allan De Castro. Subalit, hindi pa rin malinaw ang pangyayari dahil hindi pa natutukoy kung buhay pa o patay na si Camilon.

Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng mga ebidensiyang magiging basehan ng kaso laban kay Major De Castro, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Calabarzon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.