PNP-CIDG: 34 na sabungero itinuring pa ring ‘missing’

0
209

Itinuturing pa ring missing ang 34 na “sabungero” na hindi pa napapag alaman kung nasaan hanggang sa kasalukuyan dahil wala pang nakikitang patunay ang mga awtoridad na sila ay mga patay na, ayon sa isang opisyal ng pulisya kanina.

“They are still considered missing unless we see evidence like bodies. So far, we have yet to find any proof of life. I don’t want to give false hopes. We will still pray for a miracle,” ayon kay Brig. Gen. Ronald Lee, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga reporters sa isang press conference sa Camp Crame, Quezon City.

Batay aniya sa kanyang karanasan sa anti-kidnapping operations, sinabi ni Lee na karaniwang hindi inaalagaan ng mga kidnap-for-ransom suspect ang kanilang mga biktima sa mahabang panahon.

“Common criminals engaged in kidnapping especially here in Luzon, they don’t hold on to their victims for a long time because they just want money or they have other intentions. In Mindanao or in kidnapping cases perpetrated by the NPA (New People’s Army), they can keep them even for years. Kidnappers have different styles,” dagdag niya.

Sinabi ni Lee na mas maraming reklamo ang isasampa sa lalong madaling panahon laban sa mga suspek na si Julie Patidongan o “Dondon” at pitong security guard kaugnay ng kaso sa Manila Arena.

Aniya, hinahanap nila ang ilang pulis na sangkot sa isa pang kaso.

Noong Martes, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pag asa na ang mga nawawalang “sabungero” ay buhay pa ay lalong lumiliit.

Aniya, ang presumption of death ay makakatulong sa kung paano hahabulin ng mga prosecutor ang mga suspek at kung paano pahahalagahan ng mga korte ang mga kaso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.