PNP handa sa protesta, maximum tolerance ipatutupad

0
366

MAYNILA. Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na nakalatag na ang mga plano sa seguridad sakaling magkaroon ng kilos-protesta sa bansa, kasunod ng mga kaguluhan na naitala sa Nepal at Indonesia.

Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., handa na ang mga hakbang para sa dispersal, crowd management, at pangkalahatang seguridad, habang nagpapatuloy ang masusing intelligence monitoring sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda itong tugunan ang anumang demonstrasyon sa Metro Manila.

“While we exercise maximum tolerance, we will not allow any violation of the law,” ayon sa NCRPO, na binigyang-diin na hindi dapat magdulot ng panganib sa publiko o abala sa komunidad ang mga kilos-protesta.

Kabilang sa mga prayoridad ng kapulisan ang pagpigil sa gulo, vandalism, at abala sa trapiko.

Ang mga nagdaang protesta sa bansa ay bunsod ng mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects, kasabay ng matinding pagbaha sa ilang lugar. Sa Nepal at Indonesia, humantong sa kaguluhan ang malalaking protesta laban sa katiwalian at labis na pribilehiyo ng mga pulitiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo