PNP intel group, nakadiskubre ng terror plot laban sa mga Israelis sa PH

0
529

Inihayag ng Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) nitong Martes na natuklasan nito ang mga pagtatangka ng isang kilalang dayuhang teroristang organisasyon na magsagawa ng proxy war sa bansa sa pamamagitan ng pag-recruit ng mga Pilipinong na magsasagawa ng mga aktibidad ng terorista na nagta-target sa mga Israeli.

Sa ulat kay PNP director for Intelligence Maj. Gen. Michael John Dubria, sinabi ni IG Chief Brig. Gen. Neil Alinsangan na isang lokal na kontak ng “Hamas”, isang Islamist na militanteng grupo na nakabase sa Middle East na may malaking papel sa pagsasagawa ng mga pag-atake laban sa mga Israeli at Arabo, ang nagbigay ng tip sa kanila tungkol sa diumano ay pakana.

“Our Filipino source identified the Hamas operative as ‘Bashir’ who was reportedly attempting to establish a foothold in the Philippines with pledges of financial support to some local threat groups including militant extremists with links to the international terrorist organizations,” ayon kay Alinsangan.

Ibinunyag ni Alinsangan, na mga nabanggit na impormasyon na nakuha mula sa pakikipag-ugnayan sa kanilang foreign at local counterpart, na ang tunay na pangalan ni Bashir ay Fares Al Shikli, na sinasabing pinuno ng Foreign Liaison Section ng Hamas.

“He has also an Interpol (International Criminal Police Organization) red notice and is charged with an Offense of Terrorism Logistics Support,”dagdag niya.

Binanggit din sa ulat na ang source ay ilang ulit na bumiyahe sa Malaysia mula 2016 hanggang 2018, kung saan nakipagpulong siya kay Al Shikli upang talakayin ang posibilidad ng pag-atake laban sa mga Israeli sa bansa kapalit ng tulong pinansyal ng Hamas.

Noong 2016 nang simulan ni Al Shikli ang pag gagayak sa kanya bilang isang local contact sa Pilipinas at binigyan siya ng paunang pagtuturo ukol sa theoretical bomb-making training sa isa sa kanilang mga pagpupulong sa Malaysia.

Sa huling bahagi ng 2017, ipinahayag ni Al Shikli ang kanyang intensyon sa source na mag-recruit ng mga Pilipinong may link sa mga local threat groups na gagamitin upang patayin ang mga Hudyo na nasa Pilipinas, magsagawa ng mga rally sa mga piling embahada, at magpakalat ng video propaganda kapalit ng suportang pinansyal.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng Hamas na isagawa ang mga aktibidad nito sa bansa. Noong Enero 2018, isang Iraqi scientist na kinilalang si Mohammad Al Jabori na kaanib ng grupo ang inaresto sa Pampanga.

Kalaunan ay ipinatapon siya ng Bureau of Immigration.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.