PNP: Iwasan ang mga ATM photos upang makaiwas sa Holy Week home break-in

0
264

Nagpayo ang Philippine National Police (PNP) sa mga magbabakasyon sa Holy Week na iwasang mag-post ng “at the moment” photos ng mga paglalakbay kung walang tao sa bahay.

Ayon sa tip ni Philippine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang mga manloloko at magnanakaw ay nagsasaliksik sa social media upang makita kung kaninong mga bahay ang walang tao tuwing Semana Santa.

Ang iba pang social media no-no’s at ang pag-post ng mga larawan ng iyong boarding pass o ATM sa social media.

“I-lock ang inyong mga pinto at bintana kung lalabas sa Holy Week. Huwag i-post ang iyong itinerary at ang oras ng iyong pag-alis. May mga cybercriminals na nakabantay,” ayon sa kanya sa isang TeleRadyo interview.

“Para na rin nating sinabi na walang tao sa bahay natin…Hindi lang nasa kalsada ang mga kriminal, pati sa cyberspace,” dagdag niya.

Nagbigay din ng iba pang tips ang spokesperson nahuwag magdala ng mahahalagang gamit o malaking halaga ng pera kapag mamamasyal tuwing Semana Santa at bumiyahe ng maaga para maiwasan ang pakikipagsiksikan.

Kaugnay nito, nagde-deploy ang PNP ng 75,000-78,000 personnel ang PNP ngayong Semana Santa. Naka-heightened alert ang national police force, ani Fajardo, at ipinagbawal ng PNP ang lahat ng uri ng leave.

“Bawal po ang leave. Hindi natin pinapayagan ang ating PNP personnel na mag leave except yung mga emergency cases, pinapayagan naman po, to make sure na mayroon tayong sapat na bilang ng nagbabantay sa ating mga areas of convergence,” ayon sa kanya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo