Kinondena ng PNP ang marahas na Bonifacio Day protest sa Maynila

0
82

MAYNILA. Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang naganap na karahasan sa protesta kasabay ng ika-161 kaarawan ni Andres Bonifacio sa CM Recto Avenue, Maynila noong Sabado, Nobyembre 30, kung saan ilang pulis ang nasaktan matapos tangkaing lampasan ng mga raliyista ang kanilang barikada.

Ayon sa pahayag ng PNP, kinundena nila ang “acts of violence perpetrated by certain rallyists… which led to injuries and the disruption of public order.”

Batay sa inisyal na ulat, isang pulis na naka-deploy sa lugar ang nagtamo ng pinsala sa mata at agad na dinala sa ospital. “Other officers suffered minor abrasions and received immediate first aid from a medical team on-site,” dagdag ng PNP.

Binigyang-diin ng ahensya ang mahalagang balanse sa pagitan ng pagprotekta sa karapatang magpahayag at mapayapang pagtitipon, habang sinisiguro rin ang kaligtasan ng publiko.

“Our police officers, who are tasked with safeguarding public safety, displayed remarkable restraint and professionalism even as they faced provocation and aggression,” pahayag ng PNP. Dagdag pa nila, “Their mission is always clear: to de-escalate tensions, preserve peace, and protect lives.”

Nanindigan ang PNP na patuloy nilang poprotektahan ang karapatang konstitusyonal ng bawat Pilipino na magtipon nang mapayapa, ngunit iginiit nilang hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan.

“However, we cannot and will not tolerate any form of violence that endangers the public or undermines the rule of law. Those responsible for instigating chaos and harming others will be held accountable in accordance with the law,” ayon sa pahayag.

Hinikayat din ng PNP ang publiko na makilahok sa mapayapang dayalogo at umiwas sa mga aksyon na maaaring magdulot ng panganib o kaguluhan sa komunidad. “Our shared goal must always be a society where voices are heard, and mutual respect prevails,” anila.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa insidente upang matukoy ang mga sangkot at mapanagot ang mga lumabag sa batas.

Photo credit: Philippine Star

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.